Mga Tauhan

hr

Ang iyong kompanya ay nakikipagkompitensiya para sa mga manggagawa sa ibang mga negosyo sa Pilipinas at sa mga pandaigdig na kompanya. Paano makakahanap ang iyong negosyo ng mga manggagawang kailangan nito upang panatilihing bukas ang mga pinto at matugunan ang mga kinakailangang produksiyon? Paano mo mahahanap at mapapanatili ang pinakamaaasahan at produktibong mga empleyado para sa iyong SME? Ang panahon at atensiyon na inilalagay mo sa mga tao ay hindi lamang ginagawang mas mahusay patakbuhin ang iyong negosyo, ito ay bumubuo ng iyong reputasyon bilang isang magandang kompanya at isang magandang lugar para magtrabaho.

Pagkuha ng Tauhan

hr1Ikaw ay aakit ng magkakaibang uri ng mga posibleng empleyado depende sa kung saan mo inilagay ang iyong mga paunawa ng pagkuha ng tauhan at anong uri ng impormasyon ang isinama mo. Paano ka makakakuha ng mga tamang tao? Una, isaalang-alang kung saan maghahanap ng trabaho ang mga uri ng mga empleyadong hinahanap mo.

Mga Tradisyunal na Paraan ng Pagkuha ng Tauhan

Narito ang ilang tradisyunal na opsyon sa pagkuha ng tauhan kasama ng mga makakabuti at hindi makakabuti.

traditional

Bagong-Teknolohiya na mga Paraan ng Pagkuha ng Tauhan

Ang mga cellphone at social media ay nagbago sa paraan ng paghahanap ng trabaho ng mga tao at sa paraan na naghahanap ang mga SME ng kanilang mga miyembro ng pangkat. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga bagong-teknolohiya na mga opsyon sa pagkuha ng tauhan at ang mga makakabuti at hindi makakabuting katangian ng mga ito. Alin sa mga ito ang tama sa iyong negosyo?

new tech

Anong Impormasyon ang Kailangan Mong Ihanda para sa Pagkuha ng Tauhan?

questions

Makakatagpo ka ng mga payo sa pagkuha ng tauhan mula sa Manila Recruitment dito.

11 Pinagkukunan upang Magbunsod ng Trapiko sa Iyong mga Paglilista ng Trabaho dito.

Mga pinakamahusay na gawain para sa pagbahagi ng paghahanap ng trabaho online: Paano dapat itaguyod ang mga trabaho sa iyong kompanya LinkedIn page.

Mga pinakamahusay na gawain para sa pagkuha ng tauhan sa pamamagitan ng social media: Paano dapat kumuha ng tauhan sa social media.

Online na Pagkuha ng Tauhan

hr2Nasaan ang iyong mga posibleng empleyado? Sila ay malamang na online, kaya kailangang doon mo sila hanapin. Upang tulungan kang makakonekta, ang mga website sa pagkuha ng tauhan ay napakapopular. Ang mga ilalagay mo ay makikita ng daan-daang tao araw-araw, nang libre.

Mga website ng pagkuha ng tauhan

Nangungunang 10 lugar ng paghahanap ng trabaho sa Pilipinas mula sa Betterteam.com

  1. Indeed
  2. Glassdoor
  3. Google for Jobs
  4. Pinoy Jobs
  5. Jobfinderph.com
  6. JobStreet.com
  7. OnlineJobs PH
  8. Jora
  9. Craigslist Manila
  10. BestJobs.ph

Ibang mga nangungunang lugar ng pagkuha ng tauhan sa Pilipinas:

Pagpapanatili ng mga tauhan

staff retention

Mga aral na Natutuhan

hr3

Ang DTE ay may tipunan ng mga datos ng mga istorya ng tagumpay ng MSME. Narito ang ilang halimbawa:

  • SGE Variety Store (formerly Head to Toe). Ang SGE Variety Store ay matatagpuan sa bahagi ng Facade, Royal Duty Free, Subic Bay Freeport Zone. Ito ay kasalukuyang gumagawa ng mga yaring kamay na aksesorya sa fashion (halimbawa ay mga pulseras, hikam, kuwintas, at pulseras sa paa), mga produktong kawayan, at mga produktong kahoy, kahoy na panghawak ng lapis, lamparang husk ng niyog).
  • Ako Babaeng Katutubo ng Olongapo (ABKO). Ang ABKO ay nagsimula noong 2014 bilang isang grupo ng mga katutubong naghihirap na babae at ang kanilang mga pamilya. Sila ay naninirahan sa Sitio Mampueng-Limuran, Iram, Sitio Tralala at New Cabalan sa Olongapo City. Ang pagiging mahirap ang kabuhayan ay nagtulak sa mga babaeng ito na lumahok sa pagkakaloob ng mga basikong pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Ang mga katutubong babae ay indibidwal na lumilikha ng tradisyunal na yaring kamay sa kanilang mga komunidad ng tribo. Ang mga yaring kamay ay gawa mula sa mga katutubong materyal na kinuha sa gubat, tulad ng rattan, kawayan, kugon, damo, mga balat ng punongkahoy.
  • The Passion and the Fashion: Almira’s Beadswork Story. Si Almira ay nakaranas ng paghihirap bilang isang domestic helper sa ibang bansa. Pagkabalik niya sa Pilipinas, ipinasiya niyang magsimula ng kanyang sariling negosyo. Nagsimula siyang gumawa ng mga bag at aksesorya na may mga bead. Ang dami ng kanyang benta ay lumalago at ngayon siya ay may sariling outlet sa palengke ng San Jose City.
  • The Highlander Cottage Industries and Woodcraft Rural Worker’s Association (THCIWRWA). Ang dami ng nasasayang na lokal na kahoy at ang kanilang sariling kadalubhasaan sa pagyari gamit ang kahoy ay nagbigay ng inspirasyon sa mga manggagawang rural ng Palayan City upang organisahin ang isang kapisanan, nakapokus sa mga yaring kahoy at cottage industry. Noong 2015, naging kuwalipikado ang THCIWRWA bilang isa sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Shared Service Facilities (SSF) Project ng Department of Trade and Industry.

iba pang mga halimbawa

  • Mga MSME ng Antique ay tumanggap ng tulong na teknikal ng DOST Ang Department of Science and Technology (DOST VI) sa pamamagitan ng Antique Provincial Science and Technology Center (PSTC) ay nagkaloob ng tulong na teknikal sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) nito sa anim na lokal na Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs). Ang programang SETUP ay nagkakaloob ng tulong na teknikal na idinisenyo upang pahusayin ang mga pasilidad at teknolohiya ng produksiyon.
  • The Bila Rural Development Club” (BiRD) Club. Nauunawaan ang potensiyal ng industriya ng kape sa Bauko Mountain Province, isang grupo ng mga kabataang babae ang nagpasiyang simulan ang isang venture na pagproseso ng kape.
  • Mary Ann’s Souvenir and Gift Shop. Ang negosyong ito ay itinatag noong 1992 na may panimulang puhunan na PhP100,000 at apat na empleyado. Ito ay may 12 regular na manggagawa ngayon at 10 kinokontratang manggagawa. Sa maraming taon ang may-ari ng negosyo, si May Ann Tacio, ay dumalo sa mga pagtitipon sa kalakalan at mga workshop ng pagsasanay na nakatulong na buuin ang kanyang negosyo.

Software para sa Pamamahala ng mga Tauhan

Ang pamamahala ng mga tauhan ay isang hamon para sa mga negosyo, lalo na kapag nagpapalawak at nagdaragdag ng mga tauhan. Nakakatulong ang software.

Freshbooks

Saved Modules

56% of toolkit completed