Paghimok ng Mas Malawakang Pag-access sa Merkado

Image

Kapag ang mga MSMEs ay mayroong permanenteng pundasyon para ito ay magpatakbo, kasama ang matatag na presensya sa kanilang lokal na merkado, napapanatiling pagpopondo, napabuting mga kasanayan sa negosyo, at malakas na online na presensya at istrakturang pang-digital na negosyo, mayroon silang kakayahang magpalawak sa mga internasyonal na merkado. Gayunpaman, ang mga MSMEs ay maaaring walang kaalaman o impormasyon sa kung paano palawakin ang kanilang merkado upang makaabot sa ibang bansa. Bukod dito, ang mga MSMEs ay maaaring walang kapital o network upang mabisang mapalawak sa ibang bansa.  

Mga gabay na katanungan: 

  • Paano maitaguyod at suportahan ng mga gobyerno ang mas malawak na pag-access sa merkado para sa mga oportunidad sa pag-export at mga misyon sa virtual na kalakalan sa mga negosyante?    

  • Gaano kabisa ang mga pagsisikap na ito para sa mga MSMEs? 

 

Nilalaman

Image1. Kakulangan ng karanasan sa internasyonal at mga panrehiyong merkado 

Upang magkaroon ng matagumpay na pagpapalawak ng merkado, ang mga negosyante ay dapat munang magkaroon ng kaunting karanasan sa internasyonal at panrehiyong pamilihan. Ang karanasan na ito ay upang maging pamilyar para sa mga negosyante sa mga bagong merkado, at bibigyan sila ng mga kasanayan at mapagkukunan na kinakailangan upang mapalawak ang pundasyon ng konsumidor ng mga MSMEs, kasama ang mga kinakailangang network at kaalaman sa mga regulasyon sa pag-export. 

Graph

Mayroong kabutihang mga benepisyo mula sa pagkakaroon ng karanasan sa internasyonal, na may positibong epekto hindi lamang para sa mga negosyante at kanilang mga negosyo, kundi pati na rin para sa mga gobyerno ng APEC at mga lokal na komunidad ng negosyo. 

GraphGraphGraph

Sa kaso ng virtual outreach o pag-abot, kahit na mayroong mga paghihigpit sa pag-biyahe sa panahon ng pandemya, ang mahalagang pag-access sa internet at mga teknolohiyang ICT ay dapat isaalang-alang sa mga nauugnay na patakaran. 

Sa kabila ng mga benepisyong ito, ipinapakita ng aming datos ng nasyonal na pagsisiyasat na ang karamihan ng mga MSMEs at negosyante ay walang karanasan sa internasyonal. Kakaunti lamang sa mga nasiyasat na negosyante ang nag-aral, nagtrabaho, o lumahok sa pagsasanay sa labas ng kanilang home economy o sariling ekonomiya. Bukod dito, malapit sa kalahati ng mga negosyante sa lahat ng mga nakatuon na ekonomiya ng Partnership’s (47 porsyento) ay nagsabi na wala sa mga empleyado ng kanilang kompanya ang nag-aral o nagtrabaho sa labas ng kanilang home economy o sariling ekonomiya. 

Ang kakulangan ng karanasan sa internasyonal sa gayon ay nagtataguyod ng kakulangan ng pagnanais ng mga MSMEs’ para magpalawak sa mga bagong merkado. Halimbawa, ang karamihan ng mga tumugon sa apat na ekonomiya ng Partnership’s ay nagsabing wala silang plano para sa pagpapalawak ng kanilang mga negosyo sa ibang bansa at pag-export. 

Napakahalaga na ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng karanasan sa internasyonal ay maipahatid nang maayos sa MSMEs at sa mga nauugnay na stakeholder o namumuhunan. Ang paggawa nito ay makakatulong na mahikayat ang mas maraming MSMEs na palawakin ang kanilang mga merkado sa ibang bansa, pati na rin mag-udyok sa pagbabago at paglaki ng MSME na may pagkakalantad sa mga internasyonal na merkado at kasosyo.  

Ang Partnership’s ay nagmungkahi na mamuhunan ang gobyerno at mga business actors o gumaganap sa negosyo ng mas maraming mapagkukunan hindi lamang sa mga oportunidad sa pagpapalawak ng merkado para sa mga MSMEs, kundi pati na rin para sa mga pagkakataon na makakuha ng karanasan sa internasyonal, tulad ng sa pamamagitan ng pagsasanay at mentorship o pagtuturo sa mga negosyo na matagumpay na napalawak sa ibang bansa. 

Image2. Mga hadlang sa pag-export at paglawak ng merkado 

Sa karaniwan, ang mga MSMEs ay nagkakaroon ng mas mababa sa 35 porsyento ng taunang pag-export sa buong mundo. Dahil sa kanilang maliit na sukat at karaniwang lokal na pondasyon, ang mga micro at maliit na negosyo ay walang sapat na imprastraktura o mapagkukunan upang sumali sa pag-export.  

Ang ilan sa mga pangunahing hamon ng mga MSMEs para sa pag-export ay maaaring kasali ang mga sumusunod:  

  • Pag-access sa impormasyon sa merkado 

  • Mga hadlang sa marketing o pagmemerkado at pag-tatak 

  • Pag-access sa pondo 

  • Imprastraktura  

  • Kalapitan ng mga merkado 

  • Kawalan ng kakayahang makipag-kompitensya sa mga kakompitensya 

  • Mga kahirapan sa pagsunod sa mga pamantayan sa internasyonal at mga patakaran ng gobyerno 

  • Mga hadlang sa mapagkukunan ng tao 

  • Mga kakulangan sa pagpapatakbo ng negosyo.  

Ang aming pananaliksik ukol sa mga hadlang sa paglawak ng merkado ay nagpapakita na ang mas nauugnay na hamon sa pagpapalawak ng mga merkado ay mga kakulangan sa pagpapatakbo ng negosyo, kabilang ang mga kadahilanan tulad ng mga pasilidad sa negosyo at pag-access sa mga teknolohiya. 

The Partnership’s na nasyonal na pagsisiyasat sa Pilipinas ay mas detalyadong tiningnan ang tungkol sa mga hadlang na kinakaharap ng mga negosyante sa pag-access sa merkado, pati na rin ang kanilang kaalaman sa mga kasunduan sa kalakalan at mga nauugnay na programa upang matulungan silang ma-access ang mga internasyonal na merkado.  

Ipinapakita ng datos ng pagsisiyasat na ito na ang kakulangan ng mga pondo ay isa sa mga nagpapatuloy na hadlang sa pag-export, na iniulat ng 44 porsyento ng mga tumugon. Ang isyu sa pangtustos ay malapitang sinundan ng kakulangan ng kaalaman sa merkado (40 porsyento).  

Ang kakulangan ng kakayahang mag-export ay makikita rin may kakulangan sa kamalayan sa mga kasunduan sa kalakalan, mga regulasyon at mga nauugnay na programa para sa mga negosyante. Mga nasa isang katlo ng mga tumugon na Pilipino ang nagsabing wala silang alam sa iba't ibang mga kasunduan sa kalakal at mga bloke na tinanong sa kanila, kasama na ang Philippines’ Export Development Act of 1994, ang ASEAN Free Trade Area, at mismong APEC. 

Katulad din, sa Indonesia at Peru, kakaunti lamang sa mga tumugon ang nakakaalam at gumamit ng mga programa sa pagtataguyod ng pag-export na ibinigay ng kanilang mga gobyerno. Sa Indonesia, isang porsyento lamang ng mga tumugon ang gumamit ng smallholders o maliliit na pamumuhunan na pang-export na pamamaraan sa kredito. Samantala, sa Peru, kalahati ng populasyon na nasiyasat ang nagsabing hindi nila alam ang programa sa promosyon ng pag-export ng Peruvian na gobyerno . 

Isang mabisang paraan upang matugunan ang kawalan ng interes, kaalaman at kakayahang mag-export ay ang pakikilahok ng mga MSMEs sa industriya o asosasyon ng negosyo. Ang aming pananaliksik sa pagiging miyembro ng MSMEs sa mga asosasyon ng negosyo sa Pilipinas ay nagmumungukahi na mayroong positibong ugnayan sa pagitan ng pagiging miyembro na ito at pagkahilig ng mga MSMEs na mag-export.  

Ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng mga asosasyong ito ay maaaring kasali ang mga sumusunod:  

  • Sentro ng impormasyon sa pag-export at mga oportunidad sa merkado, na nagbibigay ng paglilinaw ng mga regulasyon ng gobyerno at mga mekanismo ng pag-export 

  • Mga oportunidad sa networking 

  • Pagpapabuti ng mga oportunidad  

  • Pag-access sa mga opisyal ng gobyerno, sa pamamagitan ng representasyon ng samahan

Mga Mungkahi sa Patakaran

  1. Pagtataguyod ng mga benepisyo ng pang-internasyonal na karanasan at pagpapalawak ng merkado: Malinaw na komunikasyon ng mga benepisyo sa pagkakaroon ng mga internasyonal na merkado at pagpapalawak ng mga merkado sa ibang bansa, ginagawa sa pakikipagtulungan sa lokal na pamayanan ng negosyo, mga asosasyon ng negosyo ng MSME, at iba pang mga nauugnay na stakeholder / kasosyong organisasyon   

  1. Malinaw na impormasyon sa pag-export ng mga kinakailangang bagay: Magbigay ng malinaw at na-update na impormasyon sa mga negosyante tungkol sa mga kinakailangan at regulasyon ng paglawak at pag-export ng merkado sa ibang bansa  

  1. Pagpapabuti ng mga oportunidad para sa pagpapalawak ng merkado: Mamuhunan sa karanasan ng mga MSMEs’ para sa pagpapalawak ng merkado, tulad ng paghihikayat sa mga negosyante na makakuha ng karanasan sa trabaho sa internasyonal o dayuhang edukasyon o mga kredensiyal sa pagsasanay, at isali ang mga MSME sa mga pang-internasyonal na oportunidad tulad ng mga misyon sa kalakalan o panayam. 

  1. Pagtiyak sa Pag-access ng Suporta para sa pag-export: Tiyaking may alam ang mga negosyante sa mga programa ng suporta at insentibo para sa pag-export at pagpapalawak ng merkado, pati na rin ang mga kinakailangang bagay upang magamit ang suportang ito 

 

Nauugnay na mga Patakaran

APEC Boracay Action Agenda upang gawing Pandaigdigan ang mga MSMEs:: Ahenda ng pagkilos upang itaguyod ang pagsagawa ng pagkakaloob ng MSMEs at isama ang mga ito sa mga global value chain o pandaigdigang value chain. sa pamamagitan ng pagtugon sa mga hadlang ng paggamit at pamumuhunan na nakakaapekto sa kanila. 

Pangkalahatang Pananaw ng Sektor ng SME sa Rehiyon ng APEC: Pangunahing Mga Isyu sa Pag-access sa Merkado at Pagkakaloob: Ulat mula sa APEC Policy Support Unit na pinag-aaralan ang mga patakaran na naglalayong dagdagan ang pakikipag-ugnayan ng MSME sa mga aktibidad na cross-border at negosyo.  

Ang Pagsasama ng OECD sa Timog-silangang Asyano ng SMEs global value chains o pang-daigdigang value chain.: Paggawa ng Ugnayan sa mga dayuhang namumuhunan: Pinagsamang ulat sa United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) na kinikilala ang pamumuhunan at mga kaugnay na patakaran upang mapahusay ang mga ugnayan sa pagitan ng SMEs sa Timog Silangang Asya at mga multinasyonal na negosyo (MNEs), at mga natuklasan sa dokumento mula sa pag-aaral sa pagkilos sa dayuhang pamumuhunan sa mga global value chain (GVCs) upang lumikha ng mga pagkakataon para sa Timog-silangang Asyano na SMEs.  

International Trade Centre (ITC) SME Competitiveness Outlook 2020: Iulat ang pagsusuri sa mga epekto ng COVID-19 na pandemya sa mga maliliit na kompanyang internasyonal na suplay chain at kalakalan, na nagbibigay ng planong pagkilos para sa mga negosyo, tagagawa ng patakaran at mga organisasyon ng suporta sa negosyo upang matulungan ang maliliit na negosyo na malampasan ang pandemya at patungo sa hinaharap.  

Sinusuportahan ng International Trade Center (ITC) ang SMEs sa pamamagitan ng mga reporma sa pagpapadali ng kalakalan: Nag-aalok ang toolkit ng mga pananaw upang matulungan ang mga nasyonal na tagagawa ng patakaran na ipatupad ang WTO Trade Facilitation Agreement (TFA), na nakatuon sa pananaw ng SMEs. 

Saved Modules

80% of toolkit completed